Ano ba yan? Kailangan ba talagang nagkakaroon ng isang ‘public breakdown’ ang asawa ng isang kakandidato para sa pagka-Presidente (Bise na lang ngayon)?
Oo’t hindi naman bago para sa asawa ng isang taong nasa mataas na estado sa pulitika na maghurumentado dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang kabiyak-puso.
Nandiyan si Imelda Marcos, na tumulo ang luha sa harap ng nagkukumpulang madla dahil sa kung anu-anong sigalot-pulitika na dinaanan niya at ng asawa niyang dating president na si Ferdinand Marcos. Nariyan rin si Madam Cory; hindi kagulat-gulat na maghingalo siya sa harap ng lahat dahil tinambangan lang naman ang kanyang asawang si Senador Ninoy Aquino.
Marami nang nangyaring ganyan. Hindi rin naman manhid ang tao sa mga ganyang usapin.
Ang kakatuwa lang, nang kalian kasi ay naglabas ng isang exclusive interview ang ABS-CBN ng isang ginang na nagkaroon ng ‘public breakdwon’ dahil sa isang opinyon na, pangkalahatan man ang pinatamaan, ay dinibdib naman ng sobra. O, dinibdib nga ba talaga?
