Nararapat ba
siyang tumayo bilang maybahay ng susunod na pangalawang pangulo
Mga paratang kay Korina
Sa mga nagdaang taon, sari-saring isyu na ang ibinato sa beteranang
broadcaster na si Korina Sanchez. Ilan dito ang diumano’y pagmamaltrato niya sa
kanyang mga katulong. Hindi man kapani-paniwala, paano nangyaring nagkaroon ng
lakas ng loob ang kanyang mga kasambahay na magsampa ng reklamo laban sa kanya?
Isa na rito si Bernardita
Inocencio, 42, dating kasambahay ni Korina. Inakusahan ng nasabing katulong ang
journalist ng pambubugbog at hindi pagre-remit ng SSS contributions.
Pinatunayan naman ito ng SSS sa inisyu nilang certification. Ayon sa SSS
section head na si Charisse Castro, si Inocencio nga ay may coverage sa SSS
para sa December 2000, ngunit nabayaran lamang iyon ni Sanchez noong January 3,
2002. Nagbayad lamang daw si Korina matapos ang magsampa ng kaso ang kampo ni
Inocencio laban sa kanya, ayon sa abugado ng nagrereklamo na si Atty. Mel
“Batas” Mauricio. Wala na rin daw halaga ang nasabing pagtugon dahil ang
“krimen” ng hindi pagbabayad ay naisagawa na, dagdag pa ni Mauricio.
Maliban sa hindi pagbibigay ng SSS contributions, inakusahan din ni
Inocencio si Sanchez at ang kanyang sinasabing kasintahan na si Paul Aquino ng
pambubugbog. Nangyari daw ang pagmamaltrato sa condo unit ni Aquino kung saan
nag-part time daw si Inocencio. Ayon sa katulong, sinaktan daw siya ng
magkasintahan matapos siyang magpaalam na aalis na sa kanilang poder bilang
kasambahay. Samantala, pinabulaanan naman ni Sanchez ang bintang at inakusahan
naman si Inocencio ng pagnanakaw ng kanyang mamahaling bracelet.
Sa nasabing isyu, hindi talaga malalaman kung sino ang nagsasabi ng
totoo, si Korina Sanchez ba na isang broadcaster at kilalang tao, o si
Bernardita Inocencio na isang kasambahay na naghahangad lamang kumita para
mabuhay ang pamilya? Hindi rin maituturing na kung anuman ang kinahinatnan ng
imbestigasyon ay iyon din ang totoong nangyari. Kung walang magsasabi ng tapat
at totoo, tanging Diyos lang ang nakakaalam noon. Bilang isang public figure,
natural lamang na ipagtanggol ni Korina ang sarili laban sa mga hindi
magagandang akusasyong idinidikit sa pangalan niya. Bilang isang katulong, ano
naman ang mapapala ni Inocencio kung gumagawa nga lang siya ng ingay? Aanhin
naman niya ang publicity? Hindi naman siya artista o pulitiko.
Mar Roxas bilang Bise Presidente
Kamakailan lamang ay ikinasal sina Korina Sanchez at Mar Roxas na
isa sa mga kandidato sa pagkapangalawang pangulo. Idinaos pa nga ng dalawa ang
proposal sa isang noon-time show. Ito ba ay upang pakiligin ang sambayanan? O
parte na ito ng kanilang kampanya para sa nalalapit na eleksyon?
Sa kabilang banda, nararapat ba
si Mar para kay Korina, at si Korina para kay Mar? Hindi kaya ang pagpapakasal
niya kay Korina ang magdadawit sa kanyang pangalan sa mga eskandalong
kinasasangkutan ng newscaster? Hindi yata magandang tingnan na ang susunod na
pangalawang pangulo ay palaging nasasangkot sa mga gulo ng kanyang asawa.
Malaki rin ang magiging impluwensiya ni Korina kay Roxas. Maaaring maapektuhan
nito ang pamamalakad ng asawa sa kanyang
bayan. Kung nananakit na si Sanchez, ano pa kaya kapag ang asawa niya ay
naluklok na sa puwesto? Hindi malabong maging isa si Roxas sa mga pulitikong
mapagsamantala sa kapangyarihan dulot ng kanyang asawa.